James muling pinalagda ng 10-day contract ng Mavs

DALLAS -- Pinapirma ng Dallas Mavericks si ve­teran guard Mike James sa ikalawang 10-day contract.

Ang Dallas ang pang-11 NBA team sa 11 seasons ng 37-anyos na si James.

Umiskor siya ng 8 points mula sa 3-of-16 shooting sa limang laro ng Mavericks at mas matagal ang inilagi sa basketball court kesa kay starter Darren Collison sa huling bahagi ng final canto sa kanilang 105-100 panalo kontra sa Houston Rockets noong Miyerkules.

Kung gusto ng Mavericks na mapanatili si James matapos ang kanyang pangalawang 10-day deal, kailangan nilang garantiyahan ang veteran ng minimum salary para sa kabuuan ng season.

Tinulungan ni James ang Chicago Bulls sa nakaraang season nang magkaroon ng injury si point guard Derrick Rose.

Ang kanyang pinakamagandang season ay nang­ya­ri sa Toronto noong 2005-06 nang magtala siya ng average na 20.3 points at 5.8 assists sa 79 laro bilang starter.

 

Show comments