MANILA, Philippines - Kagaya ni Manny Pacquiao, hanggang ngayon ay wala pa ring katiyakan kung sino ang lalabanan ni Juan Manuel Marquez ngayong 2013.
Hindi rin alam ni Fernando Beltran ng Zanfer Promotions, ang promoter ni Marquez, kung kailan muling aakyat ng boÂxing ring ang 39-anyos na MeÂxican fighter.
“Marquez has not made any decision yet reÂgarÂding his career,†wika ni Beltran sa panayam ng BoxingScene.com kahaÂpon.
Pinatumba ni Marquez (54-6-0, 39 KOs) ang 34-anyos na si Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) sa sixth round sa kanilang ikaapat na paghaharap noong DisÂyembre 8 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na maaaring sa Abril ay maaari nang lumaban ang Filipino world eight-division champion kaÂsunod ang pagtatakda sa kaÂnilang pang-limang pagÂhaharap ni Marquez sa SetÂyembre.
Sa Singapore o Macau ang sinasabing pagdarausan ng susunod na laban ni Pacquiao sa Abril.
Sa Dallas Cowboys StaÂdium naman sa Arlington, Texas itatakda ni Beltran ang susunod na laban ni Marquez.
“My projection is that if Pacquiao has a fight for April in Singapore, let him do that,†ani Beltran. “I believe that for MarÂquez it is important to fight and make history at the same time and I would like him to do it at Cowboys Stadium.â€
Posibleng makaharap ni Pacquiao sa Abril si world lightweight titlist Brandon ‘Bam Bam’ Rios (31-0-1, 23 KOs).
Sinabi rin ni Arum na ipapatingin muna niya ang Sarangani Congressman sa Lou Ruvo Center for Brain Health ng Cleveland Clinic bago niÂya planuhin ang mga suÂsunod na laban ni ‘Pacman’. (RCadayona)