SMBeer nalo sa Indons

MANILA, Philippines - Ipinamalas ng San Miguel Beermen ang lakas sa ilalim upang bawian ang nagdedepensang Indonesia Warriors, 64-53, sa pagbubukas ng  4th ASEAN Basketball League (ABL) noong Biyernes sa Mahaka Square sa Indonesia.

Natahimik ang mga local fans na sumuporta sa Warriors, ang kampeon ng ikatlong edisyon ng ABL nang talunin ang Beermen sa best of three finals, matapos magdomina ang bagong import na si Brian Williams habang ang mga locals na sina Chris Banchero, Leo Avenido at Asi Taulava ay may solidong numero.

Ang dating import ng Malaysia Dragons na si Williams ay tumapos bitbit ang 15 puntos at 19 rebounds bukod sa 2 assists, 1 steal at 1 block sa 31 minutong paglalaro habang sina Banchero at Avenido ay may 14 at 10 puntos.  Si  6’9” Taulava ay may 10 rebounds sa pagdomina ng SMB sa rebounding, 50-36 na nakatulong sa panalo kahit na-foul trouble si Gabe Freeman.

 

Show comments