John Wall may go-signal na para magbalik-laro

WASHINGTON -- Inihayag ng Washington Wi-zards na tumanggap na si point guard John Wall ng ‘full medical clearance’ at gagawin ang kanyang season debut sa Sabado ng gabi kontra sa Atlanta Hawks.

Nakumpleto ni Wall ang kanyang ikatlong sunod na team practice noong Biyernes.

Sinabi niyang wala siyang nararamdamg sakit sa kanyang mga tuhod.

Ipinahinga ang dating No. 1 overall pick dahil sa stress injury sa kanyang kaliwang kneecap noong Setyembre.

Sinabi ni coach Randy Wittman na tututukan niya ang kondisyon ni Wall sa mga susunod nilang laro.

Sa pagkawala ni Wall, nagtala ang Wizards ng 5-28, ang pinakamasamang record sa NBA.

 

Show comments