Westbrook, Durant muling humataw

TORONTO -- Umiskor si Russell Westbrook ng 23 points, habang may 22 si Kevin Durant para pagbidahan ang Oklahoma City sa 104-92 panalo kontra sa Toronto Raptors nitong Linggo.

Ayon kay Durant, naiwasan ng Thunder ang inilatag na trap ng Raptors. “This is one of those trap games when you play at 1:00 p.m. in Toronto,’’ ani Durant. ‘’It’s a tough place to play. A few teams came in here and lost around this time. We knew we had to be focused and have a lot of energy from the beginning.’’

Nagdagdag si Serge Ibaka ng 19 points at 8 rebounds at tumipa ng 16 markers si Kevin Martin para sa Oklahoma City.

Nagtala naman si Nick Collison ng 10 points at 8 rebounds para sa ikalimang tagumpay ng Thunder sa kanilang hu-ling walong laro matapos magtala ng 12-game winning streak.

Nagposte ang Oklahoma City ng 14-0 ngayong season kapag may lima silang players na umiskor ng double figures.

Naglista naman si Alan Anderson ng 19 sa kanyang career-high 27 points sa second quarter at nag-ambag si Amir Johnson ng 19 para sa Raptors, nalasap ang kanilang ikalawang sunod na kabiguan matapos manalo ng walo sa kanilang siyam na laban.

Humugot si DeMar DeRozan ng 11 points para sa Toronto.

 

Show comments