MANILA, Philippines - Ilang oras matapos maÂÂkuha ang kanyang release paper mula sa Petron Blaze, nasa negosasyon na si dating national team head coach Rajko Toroman para maging head coach ng Barako Bull.
Nakipagpulong si ToÂroÂman kahapon sa mga opisÂyales ng Energy Cola paÂra sa kanyang posibleng pag-take over ng puwestong iniwan ni Junel BaÂculi, ang bagong head coach ng Globalport.
Pero wala pang pormal na napagkasunduan ang magkabilang panig.
May isa pang meeting sa susunod na linggo si ToÂroman sa Barako Bull para ayusin ang anumang guÂsot pang natitira patuÂngo sa kanyang paglipat sa bagong koponan matapos masibak bilang consultant ng Boosters sa kaÂlaÂgitnaan ng elimination round ng 2012-13 PBA PhiÂlippine Cup.
“We will discuss the final details and I want to finish off what I started with Petron at Barako,†dagdag pa nito. “We’ll just discuss some details about the team, I don’t want to jump immediately beÂcause I want the job.â€
Mas gusto daw ni Toroman ang mag-coach keÂsa maging consultant.
“I am not a consultant. It’s not in my nature. I am really looking for an opportunity to coach, and there goes the offer (from BaÂrako),†wika ni Toroman sa isang panaÂyam sa mga sportswriÂters maÂtaÂpos ang kanyang paÂkiÂkipag-usap sa Barako Bull sa EDSA Shangrila Hotel sa Mandaluyong.
Inamin din nito ang paÂkiramdam niyang hindi siÂya binigyan ng importansya sa kampo ng Petron Blaze kung kaya’t porÂmal itong humingi ng kanyang release sa nasabing ballclub.
“I feel I wasn’t important. So I left (San Miguel) because I really want a head coaching job,†pahaÂyag ng 52-anyos na dating head coach ng Smart Gilas. “There is a difference between coaching and being a consultant.
Nauna nang pinayagan ng Petron Blaze ang pag-alis ni Toroman sa kaÂnilang kampo sa pamamagitan ng isang statement na ni-release sa sports media.
“Management approved Mr. Toroman’s request and wishes him well in his future endeavors,†paÂhayag ng San Miguel Corporation.
Samantala, dahil sa nangyayaring negosasyon na ni Toroman at ng BaÂrako Bull, ang dating naÂbabalitang papalit kay BaÂculi na si Pido Jarencio ay babalik na lamang sa kanyang dating puwesto bilang head coach ng UST sa UAAP at isa sa mga assistant coaches sa Petron Blaze.
Hindi nagkasundo si JaÂrencio at ang Energy CoÂla.