NEW YORK -- Umiskor si Carmelo Anthony ng 23 points, habang nagdagdag si J.R. Smith ng 20 para wakasan ng New York Knicks ang seven-game winning streak ng San Antonio Spurs sa bisa ng 100-83 panalo noong HuÂwebes ng gabi.
Nagdagdag naman si Steve Novak ng 15 points at humakot si Tyson Chandler ng 10 points at 14 rebounds upang ibaÂngon ang Knicks mula sa magkasunod nilang kabiguan.
Sinamantala ng New York ang kapaguran ng San Antonio sa final period.
Ito ang ikalawang sunod na laro ng San Antonio sa dalawang sunod na gaÂÂbi.
“They shot the hell out of it and I could see it wasn’t going to happen,†sabi ni Spurs coach Gregg Popovich. “Just too low on fuel and their defense was too good. Bad combination, and then they made shots, which makes it even worse.â€
Nagtala si Tim Duncan at Tony Parker ng tig-11 points para sa Spurs.
Naglaro lamang si SteÂphen Jackson ng tatlong minuto mula sa bench bago magkaroon ng sprained right ankle inÂÂjury matapos tumira at buÂÂmagsak sa isang waitress sa sideline sa harap ni MaÂyor Michael Bloomberg.
Pinasaya naman ni Smith, umiskor ng 25 points sa huling apat niyang laro bilang isang reserve, ang mga fans nang isalpak ang isang acrobaÂtic dunk sa fourth quarter.
Ang lobbed pass ay nanggaling kay reserve point guard Pablo Prigioni, tumapos na may 6 points at 9 assists.
“That’s their scheme, to try to take me out of the game,†ani Anthony. “Just a matter of us maÂking shots when we swing the ball, and Novak made shots, J.R. kept his streak alive of playing good basÂketball, Pablo came in and led our team from the point guard position. EveryÂbody contributed in their own way.â€
Umiskor ang Knicks ng unang 10 points sa fourth period para ilista ang malaking 17-point lead kontra sa Spurs.