MANILA, Philippines - Nananatiling lider ang De La Salle University sa overall race sa collegiate division sa Season 75 ng UAAP.
Tumapos sa ikatlong puwesto sa men’s athletics at men’s at women’s sa fencing bukod pa sa pang-apat sa women’s athletics, ang Green Archers ay nakalikom ng 190 points matapos ang 18 events.
Abante pa ng apat na puntos ang La Salle laban sa UST na napag-iiwanan ng apat na puntos (186) .
Humataw naman ang Growling Tigers sa apat na laro sa second semester.
Pumangalawa ang UST sa men’s athletics at women’s fencing, pumangatlo sa women’s athletics at pumang-apat sa men’s fencing para pagtibayin ang paghahabol sa ika-15 sunod na general championship at pang-40 sa kabuuan.
Ang FEU, winalis ang men’s at women’s division sa athletics, ang nasa ikatlong puwesto bitbit ang 137 points kasunod ang Ateneo na nasa ikaapat na puwesto (133 points) mula sa pangalawang puwesto ng women’s fencers.
Bumaba ang UP (128 points) sa No. 5 spot mula sa ikatlong puwesto sa pagtatapos ng first semester kasunod ang UE (107 points) na nagkampeon sa fencing event sa itaas ng host National University (73 points) at Adamson (55 points).