2013 FIBA-Asia puwede sa Pilipinas

MANILA, Philippines - Sinabi ni Samahang Basketbol ng Pilipi­nas president Manny V. Pa­ngilinan na malaki ang tsansa ng bansa na ma­kuha ang karapatan sa pa­mamahala sa 2013 FIBA-Asia Championship sa Agosto.

“We have a decent chance of hosting the FIBA-Asia Championships next year, discussing it with Hagop,” wika ni Pa­ngilinan, muling nabigyan ng four-year term bilang pangulo ng SBP.

Ang tinutukoy ni Pa­ngilinan ay si FIBA-Asia secretary-general Hagop Khajirian, isang Lebanese na ang bansa ay binigyan ng international basketball body ng pagkakataong pa­ngasiwaan ang 2013 FI­BA-Asia Championships.

Ang torneo ang magsi­silbing qualifier para sa 2014 FIBA World Championship.

Dahil sa problema sa se­guridad sa Lebanon, may usap-usapang mapu­pu­wersa itong isuko ang pagho-host sa torneo.

“In the end, it will be up to Lebanon and FIBA-Asia,” wika naman ni SBP executive director at dating PBA Commissio­ner Sonny Barrios.

Show comments