Dinagdagan ng team component ang NBA All-Stars

NEW YORK -- Magkakaroon ng team component sa All-Stars kung saan ang Eastern at Western Conference ay maglalaban para sa $500,000  na mapupunta sa charity.

Ang bawat conferences  ay iipon ng puntos base sa results ng apat na events na idadaos-- Shooting Stars, Skills Challenge, 3-point contest at  slam dunk contest.

Ayon sa liga nitong Huwebes, ang bawat conference ay may captain na siyang magsasabi kung anong charity ang kanilang mapipili. Ang winning conference ay makakakuha ng $350,000 para sa kanilang charities at ang runner-up ay makakakuha ng $150,000.

Ang pera ay galling sa NBA Cares at State Farm.

Ang All-Star ay gaganapin sa Feb. 16 sa Houston.

Show comments