NBA news: Fisher mawawala ng 3-games

DALLAS – Hindi makakalaro si Mavericks point guard Derek Fisher  ng hindi bababa sa tatlong games dahil sa napuwersang kanang tuhod.

Hindi siya lalaro sa Huwebes ng gabi kontra sa Miami at hindi rin lalaro  sa two-game trip sa Memphis at San Antonio.

Ayon sa  team, walang timetable para sa kanyang pagbabalik at ire-reevaluate si  Fisher sa susunod na linggo.

Nagka-injury siya sa first quarter sa kanilang panalo nitong Martes kontra sa Philadelphia 76ers.

Ang 38-gulang na  Fisher ay 16-year veteran na nanalo ng limang championships sa Los Angeles Lakers.

Pinapirma siya ng Mavericks, tatlong linggo na ang nakakaraan dahil sa sunud-sunod na injuries at di magandang play sa point guard position.

Pinalitan ni Fisher si Darren Collison bilang starter matapos pumirma.  Siya ay nag-average ng 8.6 points at 3.6 assists sa 9 games.

Show comments