MANILA, Philippines - Tiyak nang makakamit ni WBO superbantamweight champion Nonito Donaire Jr. ang Fighter of the Year honors at tuluyan nang makukuha ang boto matapos ang kanyang third round stoppage kay Mexican legend Jorge Arce sa Toyota Center sa Houston.
Ito ang pang-apat na sunod na panalo ni Donaire ngayong 2012.
Kumbinsido si trainer Robert Garcia na si Donaire ang mananalo.
Isang linggo bago ang laban, sinabi ni Garcia na kumpiyansa siya sa abilidad at kakayahan ni Donaire na tapusin si Arce.
Si Garcia ay nasa corner ni welterweight Marcos Maidana na umiskor ng isang third round knockout win kontra kay Angel Martinez sa Buenos Aires noong Martes at dumiretso sa Houston noong Huwebes para sa naturang laban ni Donaire kay Arce.
Wala si Garcia sa five-week camp ni Donaire sa Undisputed Gym sa San Carlos City malapit sa San Francisco. Ngunit hindi naman ito mahalaga.
“We were in touch almost every day by cell phone,” sabi ni Garcia. “No problem with Nonito. He knows what to do. He worked out with conditioning coach Mike Bazel to get ready for Arce.”
Ang naging trabaho ni Garcia ay magpadala ng mga sparmates kay Donaire na gagaya sa kilos ni Arce.
Umubos si Donaire ng halos 75 rounds sa sparring para patigasin ang kanyang mga kamao.
Ngayong taon ay dalawang beses nasaktan ang mga kamay ni Donaire.
Ang magandang balita lamang ay walang naba-ling buto sa mga kamay ni Donaire.