PSC namigay ng Christmas bonus sa mga atleta

MANILA, Philippines - Namahagi ang Philippine Sports Commission ng bonus sa mga miyembro ng national training pool at coaches.

Ang Christmas bonus na P3,000 ay tinanggap ng mga athletes at coaches sa kanilang Christmas party no­ong Biyernes ng gabi sa NinoyAquino Stadium.

“For your hardwork, the PSC has deposited P3,000 each on your ATM (au­tomated teller machine) account for your hard­work the whole year,” sa­bi ni PSC chairman Ri­chie Garcia.

Hinikayat din ni Garcia ang mga national athletes na magsikap para sa da­rating na 27th Sou­theast Asian Games sa Myan­mar.

“I wish everyone well and an enjoyable holiday vacation so that when everyone returns to trai­ning, all will be refreshed in preparation for the next year’s SEA Games in Myanmar,” ani Garcia.

Samantala, inihayag na­man ni PSC Commis­sioner Jolly Gomez ang pag­papaliban nila sa Christmas party ng ka­ni­lang mga empleyado.

 

 

Show comments