Pacquiao, Marquez negatibo sa PEDs

MANILA, Philippines - Negatibo sina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa paggamit ng mga performance enhan­cing drugs (PEDs).

Ito ang inihayag ni Ne­vada State Athletic Com­mis­sion executive director Keith Kizer kaugnay sa isi­nagawa nilang post-fight drug scans kina Pacquiao at Marquez matapos ang kanilang laban no­ong nakaraang Linggo sa MGM Grand Garden sa Las Vegas, Nevada.

Pinatumba ni Marquez si Pacquiao sa dulo ng sixth round mula sa isang mabigat na right hand.

Natiyak naman sa mag­netic resonance ima­ging (MRI) na walang pin­sala sa ulo at katawan ang 33-anyos na si Pacquiao.

Bago ang kanilang upa­­­kan ni Pacquiao ay pi­­­naratangan ni trainer Fred­­die Roach si Marquez na gumagamit ng ste­roids dahil sa mabilis na paglaki ng katawan ni­to.

Kaagad naman itong pi­nabulaanan ni Marquez.

“As far as people thin­king I am taking steroids? I would take the test. Let them take my blood. I don’t care. I would do it just to shut everybody up,” ani Marquez. “Of course my fight tests have al­ways been clean. I don’t know how those rumors get started.”

Ang kontrobersyal na si Angel Hernandez, uma­min na nagbigay ng ste­roids sa ilang track and field stars ng United States, ang strength and con­­ditioning coach ng 39-anyos na si Marquez.

Nauna na ding ina­ku­sahan si Pacquiao ni Floyd Mayweather Jr. na gu­magamit ng PEDs no­ong 2009.

Kaagad na nagsampa ng demanda si Pacquiao laban kay Mayweather.

 

 

Show comments