Roy nag-eensayo na, wala pang balak magretiro uli

MINNEAPOLIS -- Nagbalik si Brandon Roy sa practice sa isang limitadong no-contact basis sa Minnesota Timberwolves isang buwan matapos siyang sumailalim sa arthroscopic surgery sa kanang tuhod.

Nagdesisyon ang dating NBA Rookie of the Year at All-Star na buhayin ang kanyang career sa Minnesota ngayong season matapos magretiro.

Sinabi ni Roy na ang kanyang problema sa tuhod ay hindi nagtulak sa kanya para magretiro kagaya ng kanyang ginawa sa Portland noong nakaraang taon.

“ I never thought about walking away. It was just, for me, do I want to go through another procedure? Or do I want to play through it?’’ sabi ni Roy.

Sinabi ni Roy na maganda ang kanyang pakiramdam sa training camp, ngunit nabangga ang kanyang tuhod ng isang player sa isang exhibition game kontra Milwaukee noong Oct. 26.

Show comments