MANILA, Philippines - Ang pang-apat na sunod na panalo ngayong 2012 at ang pagkakahirang bilang ‘Fighter of the Year’.
Ito ang hangad ni world unified super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. sa kanyang pagsagupa kay Mexican world four-division titlist at challenger Jorge Arce sa Linggo (Manila time) sa Toyota Center sa Houston, Texas.
Sa kanilang pinakahuling press conference kahapon sa Toyota Center, nangako sina Donaire at Arce na pababagsakin ang isa’t isa sa kabila ng kanilang pagiging magkaibigan.
“I didn’t realized it could get so cold here in Houston,” sabi ng tubong Talibon, Bohol na nga-yon ay nakabase sa San Leandro, California na si Donaire. “But one thing I can guarantee you is that on December 15, this Sa-turday (US time) it will be hot in here at the Toyota Center.”
Itinuturing naman ni Arce ang kanyang laban kay Donaire bilang kanyang ‘best fight’.
“I’m excited because it will be the best fight of my life. I don’t want to say anything about who will win. I’m not going to make any predictions for this fight, just a pro-mise that it will be a great fight.”
Tanging ang kanyang WBO super bantanweight title ang itataya ng 29-anyos na si Donaire (30-1-0, 19 KOs) sa kanilang upakan ng 33-anyos na si Arce (60-6-2, 46 KOs).
Ang naturang WBO belt ay nakuha ni Donaire matapos talunin si Wilfredo Vazquez Jr. via split decision noong Pebrero kasunod ang panalo kay Jeffrey Mathebula para sa IBF crown noong Hulyo.
Huling binigo ni Donaire si Japanese superstar Toshiaki ‘Speed King’ Nishioka via ninth-round TKO noong Oktubre sa Home Depot Center sa California.