LOS ANGELES -- Kinuwestiyon ni Magic Johnson ang sistema ni bagong head coach Mike D’Antoni sa pagpapatakbo sa Los Angeles Lakers sa pagsasabing “it doesn’t fit the talent the Lakers have.”
Nahulog ang Lakers (9-12) sa 4-8 sa kanilang huling 12 laro sapul nang umupo si D’Antoni bilang kapalit ng sinibak na si Mike Brown.
Kasama dito ang 94-100 pagyukod ng Lakers sa Cavaliers sa Cleveland.
“I’m not down on him yet as a coach,” wika ni Johnson kamakalawa sa kanyang pagbisita sa Dodger Stadium.
Tinuligsa niya ang plano ni D’Antoni na gawing isang running team ang Lakers.
“You can’t run with these guys,. There’s one guy who can get up and down the court and that’s Kobe (Bryant). You’ve got to take that ball inside. That’s how you win games,” sabi ni Johnson.
Sinabi pa ni Johnson na ang Lakers ay may dalawang pinakamagagaling na seven-footers sa NBA sa katauhan nina Pau Gasol at Dwight Howard.
Ang opensa ay dapat nakasentro kay Gasol, limang laro na ang iniuupo bunga ng tendinitis sa magkabila niyang tuhod.
Hindi pa rin nakikita sa laro si point guard Steve Nash matapos ang 20 asignatura ng Lakers dahil sa nabali nitong kaliwang binti noong Oktubre 31.
Inilarawan ni Johnson si Gasol bilang “the best passing big man in the NBA.”
‘’His game is catch it on the low block and face his man,’’ wika ng dating Lakers star. “The first question should’ve been, ‘Where do you like it because that’s where I’m going to give it to you.’”