Bobcats president ini-waive ang sariling anak

CHARLOTTE, N.C. – Sinabi ni Bobcats president of basketball operations Rod Higgins na ini-waive ng team ang kanyang anak na si  Cory Higgins at pinapirma si forward Jeff Adrien.

Nasa ikalawang season na si Higgins sa Bobcats. Mayroon siyang career averages na 3.7 points, 0.9 rebounds at 0.9 assists sa 10.3 minutes sa 44 games.

Ang 6-foot-7 na si Adrien ay  mula sa Rio Grande Valley Vipers ng NBA D-League kung saan nag-ave-rage siya ng 17.6 points sa 56 percent shooting at 11.2 rebounds sa limang games.

Dumalo si Adrien sa training camp  ng Bobcats ngayong season. Lumaro siya sa 31 career NBA games  sa loob ng dalawang seasons para sa Warriors at Rockets at nag-average ng 2.5 points at 2.6 rebounds.

Lumaro siya ng walong games sa Rockets noong nakaraang season at nag-average ng 2.6 points at 2.8 rebounds. May 14 players pa rin ang Charlotte.

Show comments