Baguio City hinirang na kampeon sa PSC-POC Batang Pinoy 2012 Finals

ILOILO CITY , Philippines  – Hinirang ang Baguio City bi­lang koponang may pi­nakamaraming panalo sa katatapos na PSC-POC Ba­tang Pinoy 2012 National Finals kahapon di­to.

Humakot ang Baguio Ci­ty ng kabuuang 54 gold, 32 silver at 37 bronze me­dals sa 24 events para sa atletang may edad 15-anyos pababa.

Nagdomina ang Baguio City sa mga combat sports tampok ang 12 golds sa wushu, 11 sa wrestling at 8 sa taekwondo bukod pa sa 4 sa arnis.

Sumandig din ang Ba­guio City, sumegunda sa nagkampeong Laguna sa 2011 Batang Pinoy National Finals, sa archery ma­tapos kumuha ng pi­tong ginto kung saan anim ang ibinigay ni  Kareel Meer Hongitan.

May anim na gold me­dals din ang Baguio City sa athletics.

Pumangalawa naman ang Cebu City sa overall gold medal tally sa ka­nilang kinuhang 42.

Humakot ang Queen Ci­ty ng 35 golds sa dan­ce­­­sports para idagdag sa 26 silvers at 21 bronzes.

Pumuwesto naman sa ikat­lo ang Quezon City sa kinolektang 28 golds, 21 silver at 47 bronze me­dals.

Show comments