MANILA, Philippines - Tinapos ng Meralco ang kampanya sa elimination round ng 2012-13 PBA Philippine Cup sa pamamagitan ng isang 87-77 panalo kontra sa San Mig Coffee sa Mall of Asia Arena.
Dahil sa panalo ay nagkaroon ng 8-6 panalo-talo karta ang Bolts kapareho ng Alaska sa pagtatapos ng elims at nagsemento ng best-of-3 quarterfinal series laban sa Aces na magsisimula sa Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.
Bagama’t natalo, magtatapos pa rin sa No. 2 ang Mixers na may 10-4 record at may ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals kontra sa No. 7 Petron Blaze.
“We really wanted to put our spirit to the test in terms of finishing the elimination round. This is the best finish for our young franchise – we are seeded No. 4. That is why we are happy. We just wanted to break barriers. Not that we were able to zero in on that No. 4 slot, our minds will now focus on the quarterfinals against Alaska,” ani coach Ryan Gregorio.
Tatlong players ang umiskor ng double figures para sa Meralco sa pangunguna ng tig-15 puntos nina Mark Cardona at Reynel Hugnatan.
Nakabalik naman mula sa isang delikadong ankle sprain sa second quarter si Sol Mercado para magtapos na may 12 puntos at limang assists.
Ang 19 puntos ni PJ Simon at career-high 15 puntos ni rookie Aldrech Ramos ang nagbida para sa San Mig Coffee, hindi pinaglaro si James Yap.
Ipinahinga ng Mixers si Yap dahil sa bone spurs sa ankle.
Pinakawalan ng Meralco ang isang kalamangang umabot sa 10 puntos sa second quarter pagkatapos nakatabla ang San Mig Coffee sa 60-60 may 2:51 pa ang natitira sa pangatlong yugto.
Pero agad itong sinagot ng Bolts sa pamamagitan ng isang 8-1 run para agawin ang 68-61 bentahe papasok ng fourth quarter.
Sa liderato ni Hugnatan, ay lumamang pa sa 81-69 ang Meralco sa laro.
Meralco 87 - Cardona 15, Hugnatan 15, Mercado 12, Borboran 9, Buenafe 9, Reyes 8, Sharma 7, Hodge 5, Salvacion 3, Nabong 2, Ross 2, Bulawan 0.
San Mig Coffee 77 - Simon 19, Ramos 15, Barroca 8, Pingris 8, De Ocampo 8, Gaco 5, Devance 4, Intal 3, Ponferada 2, Villanueva 2, Gonzales 2, Reavis 1, Pacana 0.
Quarterscores: 19-15; 45-39; 68-61; 87-77.