Milo Marathon finals ngayon

MANILA, Philippines - Idedepensa nina Mary Grace Delos Santos at James Tallam ng Kenya ang kanilang mga korona sa 42-kilometer event sa pagpapakawala sa 36th Milo Marathon National finals ngayong umaga sa SM MOA grounds sa Pasay City.

Nagposte si Delos Santos ng tiyempong 2:53.07 upang angkinin ang titulo sa women’s division, habang nagposte si Tallam ng oras na 2:28.02 sa men’s category.

Inaasahang aabot sa 19,909 runners ang lalahok sa nasabing pinakamatandang running event sa bansa.

 Si Delos Santos ay hahamunin nina regional winners Cristabel Martes (1:34:46, Baguio), Jho-An Banayag (3:02:20, Manila 42K) at Flordilisa Donos (1:26:52, Davao).

Tatapat naman kay Tallam sina regional qualifiers Julius Sermona (1:13:02, Angeles), three-time champion Cresenciano Sabal (1:13:55, Cagayan de Oro) at Eduardo Buenavista (1:13:29, Tarlac).

 Ang mga male at female division champions ay tatanggap ng tig-P300,000.

 

Show comments