New York pinalamig uli ang Heat

MIAMI -- Sa isa na namang Knicks-Heat game, isang 20-point win din ang naitala ng New York.

At ginawa ito ng New York sa Miami na wala ang may injury sa kamay na si Carmelo Anthony.

Umiskor si Raymond Felton ng season-high 27 points at nagtala ang Knicks ng 18 3-pointers para tabunan ang hindi paglalaro ni Anthony at talunin ang Heat, 112-92.

“It was fun. It was fun the whole game,’’ sabi ni Felton. ‘’Everybody contributed tonight. Everybody did something amazing. We played a great game minus our superstar.’’

Nagdagdag si Steve Novak ng 18 points, habang may tig-13 sina J.R. Smith at Tyson Chandler para sa Knicks, nakamit ang kanilang pang limang sunod na panalo. Nagbigay din si Rasheed Wallace ng 12 mar-kers para sa New York kasunod ang 11 ni Jason Kidd.

Hindi naglaro si Anthony dahil sa sugat sa kanyang daliri sa kaliwang kamay.

Nagposte naman si LeBron James ng 31 points, 10 rebounds at 9 assists sa ikalawang sunod na kabiguan ng Miami matapos matalo sa Washington Wizards noong Martes.

 

Show comments