MANILA, Philippines - Nagkaroon uli ng init ang laban ng Boracay Rum at Cebuana Lhuillier nang kunin ang magkahiwalay na panalo sa PBA D-League Aspirants’ Cup na dumako kahapon sa Trinity University of Asia Gym sa Quezon City.
Nag-init ang mga kamay nina Roider Cabrera at Toto Banda-ying habang ang bagong pasok na si Marcy Arellano ang nagbigay ng liderato sa Waves para putulin ang limang sunod na pagkatalo sa pamamagitan ng 63-53 panalo sa Jose RizalU.
“We can build our momentum from this win. Mahirap ang laban pero bilog ang bola at may tsansa pa kami,” wika ni Waves coach Lawrence Chongson.
Tabla sa 51-all ang iskor nang magpakawala ng dalawang mahahalagang tres si Bandaying para ilayo ang Waves.
May 16 puntos si Cabrera habang 10 pa ang ibinigay ni Bandaying. Si Arellano ay may pitong rebounds at 5 assists sa 22 minutong paglalaro.
Bumaba ang Heavy Bombers sa 1-4 at ininda ng koponan ang mahinang 38.6% shooting mula sa 22 of 57 marka.
Hindi napigil ang mainit na kamay ni Jopher Custodio na tumapos taglay ang 25 puntos na nilakipan ng pitong tres para tulungan ang Gems na makaba-ngon mula sa 12 puntos pagkakalubog sa first half tungo sa 92-74 panalo laban sa Erase Xfoliant sa ikalawang laro.
May 13 puntos si Custodio sa huling yugto at nakipagtambal siya kay Paul Sanga nang pakawalan ang 33-7 palitan.
Bago ito ay angat pa ang Erasers sa 45-33 pero matapos ang ikatlong yugto ay napag-iwanan na sila sa 52-66.
Ito ang ikatlong panalo sa anim na laro ng Gems habang ikatlong sunod na pagkatalo ang nalasap ng Erasers para sa 2-4 baraha. (AT)
Boracay Rum 63 – Cabrera 16, Bandaying 10, Eguilos 10, Ilagan 7, Acibad 5, Viernes 4, Siruma 3, Arellano 2, Rosopa 2, Thaha 2, Sabellina 2, Santos 0.
Air21-JRU 53 – Villarias 9, Caperal 8, Ighalo 7, Dela Paz 6, Maiquez 6, Mabulac 5, Apinan 3, Del Rio 3, Pinto 2, Almario 2, Miranda 2, Lopez 0, Acidre 0.
Quarterscores:19-9; 36-28; 48-47; 63-53.
Cebuana Lhuillier 92 – Custodio 25, Dizon 15, Aguilar 12, Sanga 10, Zamar 8, Buensuceso 6, Suguitan 5, Sarangay 4, Bautista 3, Mangahas 2, Mabayo 2.
Erase Xfoliant 74 – Vidal 18, Gomez 15, Matute 11, Stevens 9, Najorda 6, Allen 6, Vijandre 5, Babayemi 4.
Quarterscores: 17-26; 33-45; 66-52; 92-74.