Kobe umabot na sa 30,000 pts.

NEW ORLEANS -- Umiskor si Kobe Bryant ng 29 points upang ma-ging pang-limang player sa NBA history na umiskor ng 30,000 na mala-king tulong sa Los Angeles Lakers na pigilan ang kanilang two-game losing skid sa pamamagitan ng 103-87 panalo kontra sa New Orleans Hornets.

Pumasok si Bryant sa laro na kailangan lamang ng 13 points para maabot ang naturang achievement.

Kumolekta naman si Dwight Howard ng 18 points at 5 blocked shots para sa Lakers, naiwanan sa halftime, 47-48, ngunit nagsagawa ng 13-0 run sa pagbubukas ng third quarter upang ibaon ang Hornets sa 20-point lead sa fourth period.

Nagdagdag si Antawn Jamison ng 15 markers at may 11 points si Metta World Peace, habang naglista si Chris Duhon ng 10 assists para sa Los Angeles na  ‘di nakaasa kina Steve Nash at Pau Gasol.

Tumipa si Ryan Anderson ng 31 points mula sa kanyang 5-of-8 shooting sa 3-point range para sa Hornets.

Ito ang pang-siyam na sunod na ‘di lumaro si top overall draft pick Anthony Davis para sa New Orleans dahil sa kanyang injury.

Nag-ambag si Greivis Vasquez ng 16 points, samantalang may 15 si Robin Lopez bukod pa sa kanyang 5 blocked shots para sa Hornets.

 

Show comments