Hamilton may napunit na tissue sa kaliwang paa

CHICAGO – Inihayag ng Chicago Bulls na may napunit na tissue sa kaliwang paa si veteran guard Richard Hamilton.

Ayon sa team, nakumpirma  sa  MRI ang punit sa plantar fascia tissue at lalaro siya kung kakayanin.

Lumabas si Hamilton sa laban noong Sabado kontra sa Philadelphia sa third quarter at bumalik para umiskor ng tatlo sa apat na free sa huling 20-segundo ng labanan tungo sa 93-88 panalo.

Pagkatapos niyon ay sinabi niyang may naramdaman siyang tumunog sa ilalim ng kanyang paa.

Dahil sa mga injuries, nalimitahan siya sa 28-games noong nakaraang season, ang kanyang unang season sa Chicago.

Show comments