Fisher nakapag-debut agad sa Mavericks

DALLAS -- Hindi inabot ng matagal si Derek Fisher  na makapaglaro sa unang pagkakataon para sa Dallas Mavericks.

Ang 16-year veteran point guard ang unang starter na ipinakilala kontra sa Detroit nitong Sabado ng gabi, isang araw matapos siyang sumama sa practice ng team sa unang pagkakataon.

Idinagdag ng Mave-ricks si Fisher,  five-time NBA champion sa Los Angeles Lakers, dahil nahihirapan si Darren Collison na may napuwersang daliri na naging dahilan para tanggalin ito sa line-up sa kaagahan ng linggong ito.

Sinisikap na mapalitan ng Dallas si Jason Kidd na nagdesisyong lumipat sa New York Knicks bagama’t nauna na siyang nakipagkumpirmiso sa Mavericks.

 

Show comments