MANILA, Philippines - Nagwagi si Alvin Benosa sa men’s elite road race habang pina-ngunahan ni Jonathan Climaco ang men’s mountain bike open sa Unang Padyakan kamakailan sa Makulot sa Cuenca, Batangas.
Nagsumite si Benosa ng oras na 1-hour, 12 minutes at 36.52 segundo upang talunin ang isa pang bete-ranong si Irish Valenzuela (2:13:44.43) sa 70-km race na pinangasiwaan ng Phi-lippine National Cycling Association sa pamumuno ni dating Tour King of the Mountain Paquito Rivas at kinilala ng PhilCyling.
Halos wala namang naging mahigpit na kalaban si Climaco sa 30km MTB race habang sa MTB junior race (under-18), nanguna si Jerick Barutillo.