MANILA, Philippines - Pinatunayan ng Barako Bull na hindi tsamba ang kanilang unang panalo sa Barangay Ginebra nang muling magwagi kagabi, 83-79 sa Smart Araneta Coliseum at bigyang pag-asa ang ambis-yon nitong makapasok sa playoffs ng 2012-13 PBA Philippine Cup.
Bukod sa tinapos din ng Energy Cola ang kanilang 4-game lossing streak, binigyan din nila si coach Bong Ramos ng unang panalo nito sa pang-apat nilang laro mula nang ma-promote muli bilang head coach ng koponan matapos masibak si Junel Baculi.
Limang players ng Barako Bull ang umiskor ng double figures sa pa-ngunguna ng 18 puntos at 10 rebounds ni Ronald Tubid na nagtala ng 11 puntos sa huling yugto. Pangalawang double-double din niya ito sa conference.
Nagtala naman ng tig-14 puntos sina Roger Yap at Leo Najorda off-the-bench samantalang naka-anim na puntos lamang si Doug Kramer pero humatak naman ng league conference-high at second career-best 22 rebounds.
“I’m happy to get my first win this conference as head coach since my good friend Junel Baculi left but it’s not over, we still have to beat Rain or Shine,” pahayag ni Ramos sa postgame interview na tinutukoy ang kanilang huling laro sa elimination round sa Biyernes.
Pinarisan ng Barako Bull ang 4-9 karta ng Air21, ang kalaban nito para sa pangwalo at hu-ling lugar sa quarterfinals.
Kontra sa eliminated nang Globalport ang huling laro ng Express sa eliminations sa Miyerkules.
Bumaba naman sa 7-6 ang record ng Barangay Ginebra na namaalam sa ambisyon nitong Top 2 finish na magbibigay sana sa kanila ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals makaraang maputol ang kanilang 5-game winning streak sa kamay ng Ener-gy Cola na tumalo din sa kanila, 92-82 sa kanilang unang paghaharap noong Oct. 19.