Big Leb ipinagpatuloy ang pagratsada

MANILA, Philippines - Nanatiling walang ta­lo ang Big Leb matapos daigin ang limang ka­tunggali sa idinaos na ka­rera noong Biyernes sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Si jockey Jeff Zarate ang dumiskarte sa ikalawang sunod na takbo ng da­lawang taong colt na tu­lad sa huling dalawang pa­nalo ay nagdomina mu­la sa simula hanggang na­­tapos sa 1,400-metro dis­­tansya.

Lumayo ng halos na anim na dipa ang Big Leg pe­ro nagawang dumikit ang Señor Vito at Hora Mis­mo papasok sa huling kur­bada.

Nakalamang pa ng ba­­hagya ang Señor Vito sakay si apprentice rider CM Pilapil ngunit ilang ha­gupit ni Zarate ng dalawang latigo ang bumuhay sa init ng Big Leb tungo sa halos dalawang dipang ta­gumpay.

Pumangalawa ang Ho­ra Mismo ni Val Di­lema bago tumawid ang Princess Bry, Señor Vito at By The Way.

Anak ng Quaker Ridge sa Fervent Hope, ang win ng outstanding fa­vorite sa 2YO Philracom Handicap (05) race ay naghatid ng P5.50, ha­bang ang forecast na 3-4 ay mayroong P19.00 di­bidendo.

Gabi ng mga liya­mado ang huling araw ng pista sa buwan ng Nob­yembre dahil ang pinakadehadong kabayo na nagwagi ay ang Power Factor sa race 5 na diniskartehan din  ni Zarate.

 

Show comments