Dalagang anak ni Houston coach McHale yumao

HOUSTON  -- Yumao ang anak na babae ni  Houston Rockets coach Kevin McHale  na si Alexandra ‘Sasha’ sa edad na 23 noong Sabado ngunit walang ibang detalyeng sinabi ang team.

Nag-leave si Kevin  McHale simula pa noong Nov. 10 para asikasuhin ang  ‘personal family matter,’ ayon sa team.

Habang wala si McHale, si Kelvin Sampson ang  interim coach. Wala pang timetable kung kailan babalik si  Kevin McHale.

Sinabi ni team owner Leslie Alexander  sa isang statement  na ipinapaabot nila ang kanilang pakikiramay kay McHale sa pagkawala ng kanyang anak.

Nakiramay din ang ibang players ng Rockets  kay McHale.

“Praying for coach McHale and his family,” tweet ni James Harden. Nag-tweet din si Chandler Parsons ng ‘’R.I.P. Sasha.’’

Nag-coach din si McHale sa Minnesota Timberwolves  bilang coach at executive bago lumipat ng Rockets matapos mag-TV analysts ng dalawang seasons.

“While Kevin was with our organization, we all watched Sasha grow up and become an outstanding young woman,’’ sabi ni Timberwolves owner Glen Taylor sa isang  statement. “She will be sorely missed by her family and friends.’’

Show comments