Bogut lalaro na sa Sabado?

MANILA, Philippines - Target ni Andrew Bogut na makabalik sa Golden State Warrior lineup sa susunod na Sabado kontra sa Indiana Pacers, ayon sa source ng Yahoo! Sports.

Ang puro injury na center ay may planong mag-practice sa Lunes kung wala nang magi-ging problema  matapos ipahinga ang kanyang inoperahang kaliwang bukung-bukong.

Lumaro si Bogut ng apat sa unang limang laro ng Warriors ngayong season  at nag-average ng 18 minutes per game  lamang bago nagdesisyon ang  coaching staff  na pagpahingahin ito upang palakasin ang kanyang bukung-bukong. Sa apat na games na paglalaro ni Bogut nag-average ito ng 6.0 points at 3.8 rebounds.

 

Show comments