Tolentino, Sotto sa Milo Marathon CDO

 

CAGAYAN DE ORO CITY , Philippines  --- Kapwa inangkin nina veteran runner Jeff Sotto at Aileen Tolentino ang titulo sa regional qualifying leg ng 36th Milo Marathon kahapon.

Nagposte si Sotto ng oras na 1:13:10 para ungusan sina four-time re­gional champion Arnold Unabia at three-time Milo Marathon King Cresenciano Sabal (1:13:55) sa men’s 21-kilometer.

Isinumite naman ni Aileen Tolentino ang kanyang tiyempong 1:30:39 para talunin sina Michelle Ann Sampang (1:31:16) at 2011 regional champion Cre­sabel Cadion (1:35:45) para sa titulo sa women’s division.

Ibinulsa nina Sotto at Tolentino ang premyong P10,000.00 patungo sa 36th Milo Marathon National finals sa Dis­yembre 9 sa SM Mall of Asia Grounds sa Pasay City.

Kinopo naman ng  Misamis Oriental Ge­neral Comprehensive National High School ang Biggest Delegation at ang Fas­test Delegation awards.

Nagposte ang MOGCHS ng kabuuang 1177 finishers at nagtala ng aggregate time na 23:50.45 para angkinin ang naturang dalawang awards.

Show comments