My Wike Knows All pinayaman ang isang mananaya

MANILA, Philippines - Tiyak na hindi na makakalimutan ng isang mananaya ang bisperas ng 17th MARHO Racing Festival nang mapabilang siya sa mga tumatangkilik na naging milyonaryo.

Pinagkatiwalaan ng masuwerteng mananaya ang husay ni jockey R Tablizo na naihatid sa panalo ang My Wife Knows All sa 3YO Philracom Handicap Race (4) na pinaglabanan sa 1,300m noong Huwebes ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Pinakadehado ang kabayo na nanalo sa gabi at nangyari ito dahil bagong hinete si Tablizo ng My Wife Knows All na dati ay dinidiskartehan nina RO Niu Jr. at Jessie Guce.

Galing sa pang-apat na puwestong pagtatapos ang nasabing kabayo noong Nobyembre 9 at nakondisyon sa laba-nan na nasabayan pa ng magandang renda ni Tablizo tungo sa 'di inaasa-hang panalo.

Hanggang ikalawang puwesto lamang ang napaborang Show My House ni Jeff Zarate  habang ang Louie Alexa at Yes Boy ang sunod na tumawid sa meta.

Bago ang race 8 ay nasa 434 pa ang live ticket sales sa WTA na humakot ng P3,609,191.00 sales.

Bilang solo-winner, naiuwi ng nanalo ang P2,338,755.80 dibidendo.

Nakuha rin ng nanalo ang halagang P412.50 sa win habang ang forecast na 3-7 ay naghatid ng P1,106.00.

Napangatawanan naman ng mga kabayong Bliss at Akire Onileva ang pagiging paboritong kabayo nang dominahin ang nilahukang karera.

Tinapos ng Bliss na hawak ni CM Pilapil ang ilang sunod na segundo puwestong pagtatapos nang daigin ang Boss Pogi habang ang Akire Onileva na hawak ni MV Pilapil ay nanaig sa  Windy Hour.

Parehong naghatid ang mga panalong ito ng P6.00 sa win.

 

Show comments