Kevin Love lumaro na pero natalo pa rin ang Wolves

MANILA, Philippines - Sinorpresa ni Minnesota forward Kevin Love ang lahat nang siya ay maglaro sa unang pagkakataon ngayong season nitong Miyerkules bagama’t hindi pa siya inaasahang lumaro matapos magka-injury sa kamay.

Maganda ang ipinakita ni Love kung saan nakita ang kanyang pang-All-Star na porma.

Nabali ang kanang kamay ni Love sa isang pre-season workout noong Oct. 18 at inasahang mawawala ng 6-8 weeks ngunit mas mabilis na nakabalik sa court  at umiskor ng 34 points at 14 rebounds sa 101-94 pagkatalo ng Timberwolves sa Denver Nuggets.

Sa likod ng kanilang pagkatalo, naghiyawan ang mga fans  ng Minnesota nang i-announce ang pangalan ni Love sa starting line-up.

Hindi sinasabi ng team kung kailan babalik sa laro si Love at isinikreto rin nila ang naging progreso nito.

“I didn’t want to make a big deal about it,” sabi ni Love. “I told my teammates and they didn’t really believe me and once they saw a jersey in my locker, they believed it was true.

 

Show comments