LOS ANGELES -- Nahirapan ang Chicago Bulls na sumabay sa takbuhan sa Los Angeles Clippers na marami pang natirang reserve sa fourth quarter - partikular si Blake Griffin.
Umiskor si Griffin ng 12 sa kanyang 26 points sa huling anim na minuto ng laro at humatak ng 10 rebounds para tulungan ang Clippers na pasadsarin ang Bulls, 101-80 nitong Sabado ng gabi para sa ikalimang sunod na panalo.
“It’s just about getting the ball in the right spot and doing what we work on,’’ sabi ni Griffin na 11-for-18 mula sa field. ‘’I missed a lot of them, but my teammates gave me the confidence to keep shooting. Thankfully, some of them dropped.’’
Kumamada naman si reserve Jamal Crawford ng 17 sa kanyang 22 points sa second quarter para sa Clippers na nangunguna pa rin sa Pacific Division na may 7-2 mark na kanilang best record matapos ang siyam na laro sapul noong 2005-06 nang manalo sila ng siyam sa kanilang unang 11 laro at tumapos ng 47-35 record at kinapos lang ng isang panalo para makara-ting sa Western Conference finals.
Lima sa anim na panalo ng Clippers ay kontra sa mga team na pumasok sa playoffs noong nakaraang season na kinabibilangan ng Lakers, Spurs at world champion Miami Heat noong Miyerkules.