MANILA, Philippines - Itinala ni Filipino Drian ‘Gintong Kamao’ Francisco ang kanyang pang-apat na sunod na panalo matapos talunin si Mexican Javier Gallo mula sa isang fifth-round technical knockout (TKO) sa undercard ng laban nina Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria at Hernan ‘Tyson’ Marquez kahapon sa LA Sports Arena sa Los Angeles, California.
Napaputok kaagad ng 30-anyos na si Francisco ng Sablayan, Occidental Mindoro ang kaliwang mata ng 29-anyos na si Gallo sa second round mula sa kanyang right cross.
Sa kabila nito, nana-tiling agresibo si Gallo sa third hanggang sa kaagahan ng fourth round.
Sa fifth round, kumonekta si Francisco ng isang uppercut-straight combination na nagpatumba kay Gallo kung saan inihinto ng referee ang laban sa 2:54 minuto.
“Nahirapan ako kasi maliit siya tapos fighter talaga,” wika ni Francisco kay Gallo. “Beteranong fighter siya, kaya niyang i-handle ‘yung punches ko. Tough fighter talaga.”
May 24-1-1 win-loss-draw ring record ngayon si Francisco kasama ang 19 KOs) kumpara sa 18-6-1 (10 KOs) ni Gallo.
Si Francisco ang da-ting may hawak ng inte-rim WBA super flyweight title bago ito naagaw sa kanya ni Tepparith Kokiet-gym ng Thailand noong nakaraang taon.
Inaasahang maitatakda na ang paghahamon ni Francisco, ang No. 6 sa WBA super flyweight rankings, kay WBA super bantamweight champion Guillermo Rigondeaux ng Cuba sa susunod na taon.
Umatras si Rigondeaux sa itinatakda sanang upakan nila ni Francisco noong Disyembre 15.