MANILA, Philippines - Mismong ang kanyang dating trainer ang nagpasuko sa kanyang kalaban.
Tinalo ni Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria si Mexican flyweight titlist Hernan ‘Tyson’ Marquez via tenth-round technical knockout (TKO) para hirangin bilang bagong unified world flyweight champion kahapon sa LA Sports Arena sa Los Angeles, California.
Tatlong beses pina-bagsak ni Viloria si Marquez upang panatilihing suot ang kanyang World Boxing Organization flyweight crown at agawin ang dating hawak ni Marquez na World Boxing Association title.
Sa pangatlong pagkakatumba ng 24-anyos na si Marquez ay mismong ang dating trainer ng 31-anyos na si Viloria na si Robert Garcia, ang kasaluku-yang cornerman ni unified world super bantamweight titlist Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. ang naghagis ng puting tuwalya sa itaas ng boxing ring sa round 10.
Kasunod nito ay ang pagpapatigil ni referee David Mendez ng California sa pagrapido ni Viloria kay Marquez.
Ayon kay Viloria (32-3-0, 19 KOs), ang mahinang bodega ni Marquez (34-3-0, 26 KOs) ang kanilang pangunahing tinarget.
“The body punches slowed down Marquez, especially in the early rounds,” sabi ni Viloria kay Marquez na pinatumba ni Donaire noong 2010. “I could hear the crunches from my body shots.”
Sa first round ay kaagad sumugod si Marquez kung saan naman siya pinabagsak ni Viloria mula sa isang counter right hand.
Itinala ni Viloria, may 18 Mexican fighters na ngayong tinatalo kasama sina dating world cham-pions na sina Julio Cesar Miranda, Giovani Segura at Omar Niño Romero, ang kanyang ikalawang knockout nang kumonekta ng isang one-two combination sa fifth round.
Sa naturang bahagi ng laban ay saglit na napauga ni Marquez si Viloria, kumatawan sa United States sa 2000 Olympic Games, mula sa kanyang mga malalakas na kanang suntok.
“I knew it looked bad but I wasn’t hurt. I knew he was going to get tired,” wika ni Viloria.
Nang mapatumba ni Viloria si Marquez sa ikatlong pagkakataon sa tenth round buhat sa isang counter left hook ay nakatayo pa ito matapos ang mandatory eight-count.
Ngunit inihagis na ni Garcia ang kanyang tuwalya sa loob ng boxing ring bilang simbolo ng pagsuko ni Marquez.