Fact: Ang laxatives ay stool softeners
Hinahadlangan ng stool softener ang constipation sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon na makapag-absorb ng maraming tubig ang dumi mula sa colon. Hindi nito hinayaang tumigas ang dumi— madali rin ilabas mula sa katawan ang mas malambot na dumi.
Gaya ng iba pan laxatives, ang stool softeners dapat lamang ikonsumo para sa maiksi at dagliang remedyo. Makipag-ugnayan sa pinagkakatiwalaang doctor bago paghaluin ang stool softener o anumang laxatives at isagawa ang
iba pang constipation treatments.
May ilang kaso na inirerekomenda ng mga doctor ang stool softener para sa mga surgery patients, na maaaring kailanganin ito para maiwasan ang pagdurugo sa panahon ng pagdumi.
May ilang paghahanda kung saan inihahalo ang stool softener sa stimulant laxative para magkaroon ng regular na pagdumi.
Myth: Lahat napapagaling ng castor oil
Itinuturing na power laxative ang castor oil.
Pero gaya ng iba pang laxatives, hindi dapat itong gamitin ng matagal.
Dahil ang sobrang paggamit ng laxatives ay makakaapekto sa kakayahan ng katawan na mag-absorb ng nutrients at ilang medikasyon.
Maaaring mapinsala ng castor oil ang bowel muscles, nerves at tissue kung aabuso sa paggamit nito— lahat ng mga ito ay nagiging dahilan ng constipation. Gumamit lamang nito kung may rekomendasyon mula sa inyong doctor.