Bynum sa January pa makakalaro para sa 76ers

PHILADELPHIA – Baka sa 2013 pa makakapag-debut si Andrew Bynum para sa Philadelphia 76ers.

Maghihintay pa ng hindi bababa sa limang linggo ang 7-foot center ng Philadelphia na si Bynum,  dahil sa sugat sa buto sa kanyang kanang tuhod kaya hanggang January pa ito magpapagaling.

Nang ma-injury si Bynum noong mid-September, umasa ang Philadelphia na makakalaro na ito sa season opener noong Oct. 31. Ngunit bago magsimula ang season, sinabi ng Sixers na hindi alam kung kailan makakalaro si Bynum.

Ayon sa Philadelphia nitong Lunes, ang kanilang bagong goal ay makabalik si Bynum sa ‘normal basketball activity’ bandang Dec. 10. Mula doon, ma-ngangailangan ito ng 1-4 weeks ng conditioning at practice bago ito tuluyang lumaro.

Nakuha ng Sixers  si Bynum mula sa Lakers sa four-team deal na nagdala kay Andre Iguodala sa Denver, ngunit hindi pa rin ito nakakapag-practice sa team ngayong season.

 

Show comments