LOS ANGELES -- Ang pagkakatanggal sa trabaho ay hindi isang bagay na nakakatuwa.
Ilang oras matapos siyang sibakin ng Los Angeles Lakers noong Biyernes, nagtungo si coach Mike Brown sa Chik-fil-A restaurant para kumain ng isang masarap na chicken sandwich.
Sa isang larawan na inilabas ng TMZ, makikitang masayang-masaya si Brown matapos tanggalin sa kanyang trabaho bilang mentor ng Lakers.
Nakatakda pang tumanggap si Brown ng halos $11 milyon na natitira sa kanyang $18 million deal na pinirmahan niya sa Lakers.