2-silver, 3-bronze pa hatid ng mga Pinoy tracksters

CHINESE-TAIPEI -- Kumayod ang ibang miyembro ng Philippine Team sa pagkawala ng  na-injury na si Elma Muros-Posadas noong Lunes upang komopo ng dalawang silver at tatlong bronze medals sa 17th Asia Masters Athletics Championships sa Taipei City Sports Park dito.

Si Antonio Chee ang nagsikap na ibangon ang bandila ng Pinas nang si-rain niya ang kanyang sa-riling games record sa pole vault event para sa men’s 35-39 years old ngunit agad din itong nabura ni Yang Mu Wei ng host Chinese-Taipei sa kanyang ikaapat na hagis.

Binigyan din ni John Lozada ang Pinas ng isa pang silver sa 1500-m event para sa men’s 35-39 years old sa kanyang oras na in four minutes at 29.48 seconds sa likod ng gold medal winner na si G.N. Karunathinaka ng Sri Lanka (4:28.67).

Ang Team Philippines ay mayroon na ngayong tatlong gold, limang silver at tatlong bronze medals matapos ang tatlong araw na kompetisyon.

Show comments