Ueda sasali sa Asian Duathlon

MANILA, Philippines - Pinakinang ng paglahok ni Ai Ueda ng Japan ang ma­gaganap na Century Tuna ASTC Asian Duathlon Championships na lalarga sa Nobyembre 25.

Si Ueda ay isang two-time Olympian sa triathlon nang nakasali siya sa Beijing at London Olympics no­ong 2008 at 2012, ayon sa pagkakasunod.

Siya ang ipinapalagay na pambato sa female elite sa karerang inilagay sa 10k run, 40k bike at 5k run na inorganisa ng Triathlon Association of the Philippines at may basbas ng Asian Triathlon Confederation.

Makasaysayan ang ADC sa taong ito dahil gaga­mi­­tin ito bilang qualifying event para sa 2013 Elite Duath­lon World Games.

Dahil dito, hindi lamang mga Asyano ang sasali kun­­di maging ang mga Europeans ay lalahok din sa tor­neong handog ng Century Tuna at may ayuda rin ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Tou­rism Department at suportado ng PSC.

Show comments