BP Mindanao leg idaraossa Dapitan City sa Nov. 7-10

MANILA, Philippines - Ang Dapitan City ang si­yang manganga­siwa sa Min­danao leg ng POC-PSC Batang Pi­noy Games 2012 na na­ka­­takda sa Nobyembre 7-10.

 Idaraos ang opening ce­remonies sa Nobyembre 6 sa Jose Rizal Me­mo­rial State University Sports Complex na magi­ging venue ng track and field at swimming com­pe­titions.

Pangungunahan ni Da­­pi­tan City Mayor Patri Ba­­jamunde-Chan ang pag­­­tanggap sa mga atleta na sasabak sa 11 events, ang 10 ay mga qualifying events para sa national fi­nals.

“We are looking forward to working side by side with the PSC in disco­vering athletic ta­lents from this part of the country,’’ sabi ni Beja­munde-Chan na pumir­ma ng memorandum of ag­reement sa PSC officials.

Orihinal na itinakda ang Visayas leg ng Batang Pi­noy sa Cagayan de Oro, ngunit nagdesisyon ang PSC na ilipat sa Dapitan Ci­ty ang event matapos ang matagumpay na pag­sa­sagawa nito ng 2011 Pa­larong Pambansa.

“We believe that Min­da­nao particularly Zamboanga del Norte is an ath­letic powerhouse especially in combat sports and athletics,” ani Batang Pi­noy project director, PSC lawyer Jay Alano.

Idinaos na ang mga qu­alifying legs ng 2012 Ba­tang Pinoy para sa Na­tio­nal Capital Region sa Ma­rikina City, ang Nor­thern Luzon sa Lingayen, Pa­ngasinan at ang Sou­thern Luzon sa Calapan, Min­doro Oriental.

Maliban sa pencak si­lat na isang national final event, ang mga gold at silver medalists sa 10 pang sports ay maaaring ma­kita sa national finals sa Ilo­ilo City sa Disyembre 5-8.

Ang Mindanao leg ay ang ikaapat sa five-phase qualifying.

Ang Vi­sayas leg ay na­katakda naman sa Nob­yembre 21-24 sa Tac­lo­ban City.

Show comments