Dallas tinanggal si West

DALLAS -- Kakampanya ang Dallas Mavericks na wala si guard Delonte West at ang kanilang starting center para sa season opener kontra sa Los Angeles Lakers.

Pinakawalan ng Mavericks si West noong Lunes.

Si West ay nauna nang naging bahagi ng malaking pagbabago sa Dallas.

Ngunit nagdesisyon ang koponan na alisin na si West sa kanilang line-up nang mapatawan ng kanyang ikalawang sunod na suspensyon ang point guard dahil sa ‘conduct detrimental to the team’.

Kinailangan ng Dallas na alisin si West para makuha si Eddy Curry, isang journeyman center na pinakawalan ng San Antonio Spurs.

Maglalaro si Curry laban sa Lakers dahil may mga injury sina Chris Kaman at backup Brandon Wright.

Inihayag na ni West, may bipolar disorder, sa kanyang mga tweets na malabo na siyang kunin ng Dallas.

 

Show comments