MANILA, Philippines - Wala sa plano ni head coach Ato Agustin na pa-tirahin si 6-foot-8 Japeth Aguilar sa three-point line sa huling sandali ng laro.
Ngunit sinuwerte si Aguilar at naisalpak ang isang three-point shot sa natitirang 1.1 segundo para ilusot ang Barangay Ginebra laban sa three-time defending champions na Talk ‘N Text, 97-95, sa 2013-2014 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
“Ang last play namin pick and roll kay Japeth talaga,†wika ni Agustin kay Aguilar na tumapos na may 21 points. “I told them go hard sa basket dahil penalty ang Talk ‘N Textâ€.
Matapos isalpak ang kanyang tres ay sinupalpal naman ni Aguilar ang jumper ni Ranidel De Ocampo ng Tropang Texters kasabay ng pagtunog ng final buzzer.
Nauna nang naglista ng isang 14-point lead ang Talk ‘N Text, 70-56, sa 4:39 ng fourth quarter buhat sa basket ni Sean Anthony at huling hina-wakan ang kalamangan sa 95-94 galing sa jumper ni Larry Fonacier sa hu-ling 34.1 segundo.
Umiskor naman sina Jay Washington at Sol Mercado ng tig-20 points para banderahan ang Globalport sa kanilang ikalawang sunod na ratsada sa bisa ng 90-88 paglusot sa Rain or Shine sa unang laro.
Nag-ambag si rookie RR Garcia ng 13 kasunod ang 12 ni Justine Chua para sa Batang Pier na nagtala ng 14-point lead, 68-54, bago natablahan ng Elasto Painters sa 87-87 sa 2:40 ng final canto.