Ngayong kumpleto ang mag-anak sa bahay dahil walang pasok ang mga bata sa eskuwelahan dahil sa banta ng coronavirus, aba turuan ang mga bagets kung paano magtipid dahil mahirap nga ang panahon ngayon.
Importante na magkaroon ng meal plan. Mas mapagkakasya ang pagkain kung sabay-sabay ang pagkain ng lunch at dinner. Turuan din na kainin ang natirang ulam. Para hindi madismaya ang mga anak ay puwede panggawan ng ibang luto ni nanay ang natirang isda. Puwede itong gawing lumpia o pangsahog sa gulay.
Kung manonood ng TV ay siguraduhing sabay-sabay rin at hindi hawak ang kanilang mobile phones para hindi sayang ang kuryente.
Habang walang pasok ay tulungan ang anak na maglinis ng kanilang kuwarto. Tanggalin na ang mga abubot o gamit na hindi na kailangan. Utusan din ang anak na magtabas o paggugupit ng damo sa mga paligid ng pader. Kaysa ibayad sa ibang tao ay hayaan ang mga anak na tumulong sa gawaing bahay upang hindi rin ma-boring ang anak dahil bawal nga silang maggala muna kung saan.