Gawing lucky ang address

Sa Fengshui tradition, ang lucky number sa year 2004 hanggang 2024 ay 8. Upang maging lucky ang isang bahay, ang isang paraan ay gawing 8 ang sum total ng kanyang address. 

Halimbawa: Ang address mo ay Block 23 Lot 20.

Add the number: 23 + 20 = 43.

Reduce the sum to a single digit: 4 + 3 = 7.

Ang kasalukuyan mong address ay 7, kailangan ang 1 para maging 8. Paano ito gagawin? May mga bahay na ang address ay nakasulat sa square na wood or lata.

Isulat ang 1 sa harapan at likuran ng address gamit ang clear nail polish.

Kahit hindi nakikita ang 1, at least naroon ang energy ng number 1 kaya ang magiging sum total ng inyong address ay 8.

Simple addition lang ang gawin upang magawa mong maging 8 ang sum total ng iyong address.

Show comments