Maraming paraan pa rin upang malabanan ang coronavirus.Tulad ng paggamit ng dalawang klase ng face mask. Ang regular na surgical mask ay hindi ganun kaepektibo na hindi mahawaan ng coronavirus. Dahil sa maliit na puwaang ay puwede pa rin makapasok ang droplet, pero proteksyon sa bibig. Mas advance ang N-95 respirator maganda itong gamitin, mahirap lang huminga. Mas epektibo pa rin ang palaging takpan ang bibig at ilong kung may ubo at sipon.
Laging kumilos pero huwag naman sobra. Sapat na ang regular na exercise bilang powerful tool upang palakasin ang immune system. Ngunit huwag yung heavy exercise na magiging dahilan din para magkasakit. Manatili sa 30 – 60 minutes na ehersisyo sa isang araw bilang moderate level lang ng iyong work out.