Gripo sa isang Italian village, wine ang lumalabas!

Nagtaka ang mga residente ng isang Italian village na Castelvetro nang imbes na tubig ang lumabas sa kanilang mga gripo ay wine ang bumungad sa kanila.

Aksidente palang na­ibuhos ng Setticani winery ang bulto ng wine sa local water system ng nasabing village dahilan para humalo ito sa tubig sa gripo na nagsu-supply sa mga bahay-bahay

Agad na nagpadala ng technicians sa lugar para ayusin ang aberya.

Samantala, imbes naman na magalit ang mga residente, tuwang-tuwa sila dahil meron daw silang free wine. Kanya-kanyang ipon ng wine ang mga magkakapitbahay.

Humingi naman ng apology ang pamunuan ng Setticani at laking pasasa­lamat naman ng mga residente at naayos ito agad.

Ang wine na umagos sa kanilang mga gripo ay matagal nang iniinom simula pa noong Etruscan period, may 2,000 years na ang nakararaan o higit pa.

Hindi man masyadong mabenta ang wine na ito sa buong mundo, pero kila­lang-kilala naman ito sa native Italy kaya ganun na lang ang galak ng mga tao.

Sino ba naman ang mapapahindi sa libreng alak?

 

Show comments