Importante na matutunan nai-cut ang budget sa bahay sa pagiging super tipid ngayong mahirap ang buhay.
Ang maliit na barya o pera na naiipon sa simpleng paraan ay malaking bagay na maibabalik sa pitaka at sa inyong bank account.
Tulad ng patuyuin ang mga sinampay sa arawan kaysa gamitin ang dryer ng washing machine. Gumamit ng iisang kotse ang buong pamilya. I-turn off ang mga ilaw kung hindi ginagamit. I-unplug ang mga appliances na hindi ginagamit. Magkaroon ng meal plan kaysa panay ang kain sa labas. Magbaon ng pang-lunch at meryenda sa opisina. Magtanim ng gulay sa inyong bakuran. Ibenta ang mga gamit na hindi na kailangan at huwag bumili ng mga items para magyabang lamang.
Marami pang simpleng paraan upang makatipid para mabawasan ang bills at budget upang lumaki naman ang iyong savings.